Tuesday, July 24, 2012

Ulan

Ang patak ng ulan
Tik-tik, tak-tak sa aking bubungan
Walang hinto at maingay
Kapag ako ay namamahinga

Lalo na pag may bagyo
Na may kulog at kidlat pa
Nakakatakot ang lakas ng ingay niya
At ito ay nakababalisa

Naranasan ko na ang Siyam na Araw
Walang puknat na ulan kada araw
May kasamang hampas ng hangin
Tumatama sa paligid, kaliwa at kanan

Isang umaga ng ako ay magising
Pagdungaw ko sa bintana
Nabigla ako sa dumaragasang tubig
Parang naging mistulang ilog ang karsada

Sa taas ng tubig baha
Hindi ka makakalakad ng hindi mababasa
At pag dumaan pa ang mabilis na sasakyan
Malakas humahampas ang tubig sa tabi parang dagat

Sana nga ba ay totoo ang awit ng mga bata
"Rain, rain go away, come again another day"
At kung kailangan naman nating pumatak ang ulan
Gawain naman ang "Rain Dance" na pamamaraan ng Indian!

No comments:

Post a Comment