Tuesday, September 4, 2012

Tubigan Sa May Amin


Minsan isang araw sa aming lugar
Napagmasdan ko ang palayan sa tubigan
Sa sikat ng araw at tanghaling tapat
Wala silang ampat ang pagtatanim

Talagang ang pagtatanim ay hindi biro
Maghapong di nakaupo
Basa ang mga paa sa tubig
Nakayukong nagtatanim ng punla

Kay sipag nilang lahat
Kay ganda kung pagmamasdan
Ang sabay sabay nilang galaw
Bawat isa sa hanay ay magka-agapay

No comments:

Post a Comment