Wednesday, April 24, 2013

PANGAKO




PANGAKO

Maghihintay ako hanggang makakaya ko
Kahit mahirap at matagal  ang pagdaraan ko
Hindi magbabago ang pangako kong ito
Magtiwala kang patutunayan ko ito

Sa panahong lilipas ang araw at gabi
Kapag nangungulila dulot ng lungkot at lumbay
Pagsasapit ang tag-ulan, tag-lamig, at pag-iisa
Lagi kitang iisipin para ako'y laging sumaya

Maraming kasabihan na ang pangako ay di totoo
May mga nasasambit na alam naman nating bola lang ito
Kapag sobrang salita at imposibleng mangyayari
Huwag kang maniniwala at sasang-ayon dito

Pero kapag simple lang at nasa puso ang pangako
Iyong hindi punong-puno ng maraming sinasabi
Kapag nararamdaman mong walang pag-aalinlangan
Asahan mong ito'y magaganap at mangyayari

Lilipas at lilipas ang maraming pang mga araw
Ang panahon ay patuloy na darating at daraan
Kung kailangan matupad ang isang bagay
Ipaghihintay ko ito hanggang ako'y may buhay

"Asahan mo, narito lamang ako at naghihintay sa iyo."

Written by: Versatiles
Date: April 24, 2013

No comments:

Post a Comment