Tuesday, June 5, 2012

May Guhit Na Luha

Ang puso ko'y muling nagkaroon ng sigla;
Kay tagal na panahon at ang lahat ay nalimot ko na.
Ang mga matatamis na ala-ala ng tayong dalawa pa;
Biglang sumapi sa isipan ko at nagbalik ang ala-ala mo.

Tumibok ang puso ko at may liigaya akong nadama,
Nang may isang kaibigan mo ngayon akong nakita.
Kay ganda ng mga balita ang narinig ko tungkol sa iyo;
Nagtagumpay ka sa lahat ng mga pangarap mo.

Natatandaan ko pa noon ang ilang matatamis na sandali.
Ang mga araw at gabi nating binigkas ang mga pangako.
Hawak kamay, mahigpit na yakap sa tuwi-tuwina;
Na laging ibinubulong sa bawat isa  "Mahal Kita".

May guhit na luha sa aking mga mata akong nadama
Hindi dahil ako'y malungkot pero dala ito sa ligaya at saya
Salamat sa Diyos at pinagpala pa rin tayong dalawa
Kahit ang landas nating tinahak ay papalayo sa isat-isa!

No comments:

Post a Comment