Monday, June 4, 2012

Kapiling Ng Iba

Nasa piling ka na ng iba,
Kaya tayong dalawa ay malabo na.
Masakit man ang katotohanang ito,
Kailangang kalimutan na ang damdamin ko.

Masaya ka ba sa bago mong kasama?
Masigla ba ang araw at bukas mo?
Sa bawat sandali ba ng oras mo,
Ay punong-puno ng buihay at sigla?

Aking ibinigay sa iyo ang lahat ng pagmamahal;
Maging ang buhay ko ay iaalay sa iyo.
Ikaw lang ang lahat at naging ako'y tapat
Sa bawat sandali ay nakasigurado ka!

Lumayo lang ako noon sa iyo, dala ng tadhana;
Hindi lumaon ay bumalik din naman ako .
Pero ano itong nangyari na kay sakit tanggapin,
Nalimut mo na ako dahil sa bago mong kapiling!

No comments:

Post a Comment