Pag-asa Ng Bayan (For Independence Day 2012)
Ang kalayaan para sa Inang Bayan,
Kay hirap kamtan kung hindi ito ipaglalaban.
Kung ating pababayaan lang ang mga pang-aapi,
Lalaki ang ulo ng kanilang kalokohan
Sa panahon ngayon ay hindi na madugong digmaan;
Hindi na kailangan pa ang magpadala ng libo-libong kawal.
Naiiwasan na ang mga sundalong nakikipagsagupaan,
Upang lumaban at makamit ang tugatog at bango ng tagumpay
Katulad ng nangyari sa laban ni Pacquiao at Bradley;
Napakalaking controversial ang pagkatalo ni Manny.
Sa buong mundo, sa harap ng mata nang marami,
Nakalusot ang hurado sa hindi nila "Just, Fair, Honest" na boto.
Parang kailan lang ng mapanood si Jessica Sanchez;
Marami ang umasang siya ang mananalo.
Ipinakita niya ang galing sa bawat episode ng AI;
Na"excited" din ang buong mundo sa kanyang natatanging talento.
Marami pang darating na magigiting na tao.
Sila ay makikilala at magmumula sa Inang Bayan natin.
Walang makapipigil sa pagdami at pagsilang ng magagaling,
Sapagkat ang Pilipinas ay bayan ng magiting at walang kahambing
Sa larangan ng anumang klaseng paligsahan;
Basketball, Boxing, Music, at marami pang ibang palahok;
Huwag sanang hamakin ang mga kalibre ng tubong atin,
Sapagkat tayong mga Pinoy ay may angkop at pambihirang galing.
Masamang naaapi ang damdamin nating mga Pilipino;
Kapag nag-aalab ang puso nating naghihimagsik sa katarungan.
Katulad halimbawa ng kagitingan nina Gat Jose Rizal at Andres Bonifacio;
Ay lalong tumitibay ang ipinaglalaban at lumalakas ang sinimulang adhikain.
Huwag kang mag-alala 'o' malungkot ating Inang Bayan. Pilipinas.
Makadana ka man ng kalungkutan ngayon, bukas at sa araw na darating;
Sa dala ng mga balitang kagimbal-gimbal at masasamang mga panoorin;
May muling sisilang at babangon, para itayo ang karangalan ng ating Bayang Magiliw!
tama
ReplyDelete