Saturday, June 9, 2012

Ang Diyos Ang May Pasya

May natitira ka pa bang pang-unawa sa iyong puso;
Sa mga pangyayaring naganap na hindi natin gusto.
Ako lamang ba ang may kasalanan ng lahat,
Kung bakit gumuho ang mga pangarap nating dalawa

Huwag mo naman sanang ibuhos sa akin ang lahat ng galit.
Huwag mo naman sana akong sisihin ng paulit-ulit.
Isipin mo naman sanang may pananagutan ka rin,
Kung may sala ako ay may kasalanan ka rin

Nanghihinayang lamang ako sa ating pinagsimulaan;
Maraming mga pangako nating sinumpaan;
Ibinigay natin sa bawat isa ang "Langit at Lupa"
Walang kapantay na pagibig at pagmamahalan.

Pero sa kabila ng lahat ay hindi natin alam,
Ang Panginoong Diyos pala ay may ibang nakalaan.
Subok, matibay at matatag man ang ating mga kasunduan,
Di pa rin ito matutuloy kung iba ang guhit ng ating kapalaran.

Matagal ko ng tinanggap kung ang ating kinahantungan.
Sana'y maunawaan mo na rin kung bakit nagka-ganyan.
Alam kong hindi mo ito kagustuhan, at lalong ayaw ko rin;
Pero, sana'y ang basbas ng Diyos ay bukas palad nating tanggapin.

Sa mga araw at bukas pang darating sa ating buhay.
Ang mga bakas ng lumipas ay hindi ko maaring malimutan.
Sa aking pagtanda at saan man ako padparin ng panahon;
Dadalhin palagi sa puso ko ang matamis na ala-ala mo sa akin.

No comments:

Post a Comment