Tuesday, August 14, 2012

HABAGAT Ang Lunos Na Dumating

Habagat ang tawag sa kalamidad na ating dinadanas
Wala namang bagyong nadaranasan tayo ngayon
Pero sa dami ng tubig ulan na ating nakikita
Bumabaha ang mga lugar sa mga dako at kapaligiran

Kung minsan ay may kulog at kidlat pa itong kasama
Nakakasindak sa lakas at nakapangangamba
Ang pagpatak at biglang pagbhuhos ng malakas na ulan
Ay pinatitindi pa ng hanging habagat na galing sa laot ng dagat

Papaano na nga ba ang gagawin pag tayo ay nasalanta
May pag-asa pa bang makaahon ang tao sa lunos na dumating
Marami na ang napinsala at sinira ng malalakas na hangin
Gamit, bahay, kabuhayan, pati buhay ng tao ay nadamay na rin

Talagang kung minsan ay kay hirap ng tadhana na itinakda sa atin
Wala tayong magawa kundi tanggapin at ito ay sundan O sindin
Bagamat ang mga masasamang karanasan nangyayari ngayon
Huwag tayong mawalan ng pag-asa kahit mabigat ang ating dala-dala

Sa mga panganib, kalungkutan, at anomang pangamba
Sana'y huwag nating kalimutan tumawag sa Dakilang Lumikha
Na Siyang Makapangyarihan sa lahat, at may gawa ng langit at lupa
Manalangin, purihin, magpasalamat at hinging lubos ang tulong Niya!


1 comment: