Sunday, August 5, 2012

Atas Para Sa Ibayong Kapatiran


Napagkasunduan na isagawa ang isang occcasion
Upang makipagkaisa at snndin
Ang atas para sa ibayong kapatiran 
Umulan man O umaraw tuloy ang kasiyahan

Nagdaaos ng isang masaganang pagtitipon
Kasama ng mga kapatid, kamag-anak at kaibigan
May mga umawit na mahilig sa kantahan
May mga lumahok naman sa konting palaruan

Nagutom ang lahat pagdating ng hapunan
Pinagsaluhan ang sopas na kaluluto lamang
Sobra-sobrang busog ang mga bisita at kasama
May nagbaon pang iba ng sila ay umuwi na

Ang maraming dumalo ay naging masaya
Ang maigsing pagsasama-sama nakapagpapasigla
Nang mga kapatiran maging bata at matanda
Makikita ang ligaya sa ngiti at kislap ng kanilang mga mata

Marami ang nakasaksi sa kapaligiran
Nagtatanong kung ano ang handaan
Marahil sila ay nagtataka O namamangha kaya
Kahit bumubuhos ang ulan ay nakapagsasaya!

No comments:

Post a Comment