Tuesday, July 24, 2012

Subaybay

 Sa iyo aking Ama
Ako ay umaasa
Ang buhay ko at sigla
Ay biyaya Mong walang sawa

Sanay huwag akong kalimutan
Sa oras ng may pangangailangan
Ikaw lamang ang tangi kong pag-asa
Upang ako ay makabangun sa dusa

Pagibig Mo ay sadyang tunay
Walang maaring makapantay
Kaya ako ay nagpapapsalamat
Sa patuloy mong pagpapatawad

Kapag ako ay nanghihina
Dahil sa pagsubok at alipusta
Paki bigay ang lakas ng loob
Upang tumibay ang pananalig ko

Kay rami ang mga kasamaan
Nakapaligid sa akin gabi at araw
Saan man dako ako makarating
Mayroon panganib na dapat iwasan

Diyos ko, kailangan ang Iyong gabay
Pagpapala at subaybay
Sa tuwi-tuwina ng aking buhay
Maging kapiling kita sa aking paglalakbay

No comments:

Post a Comment