Saturday, May 26, 2012

Ikaw Ba Iyan?

Habang naglalakad, papalapit sa iyo, hirang
Pinagmamasdan kong tunay kung ikaw nga ba yan
Hindi mo ako napapansin habang ako ay paparating
Dahil may kasama kang iba at parang umiiwas ka na

Ikaw ba iyan; ang babaeng dati kong minahal
Lumipas na ba ang ating ala-ala sa panahong nagdaan
Ayaw mo na ba akong makita at makausap man lamang
Ikaw nga ba yan, galit ka ba o ako'y kinalimutan na

Malakas ang tibok ng puso ko habang ako ay papalapit
Hinahanap-hanap ko ang sulyap mo man lang sa akin
Sa tingin ko ay napansin mo na ako ay paparating
Pero, totoo ba; talagang wala ka nang dapat damdamin.

No comments:

Post a Comment