Wednesday, April 24, 2013

ALA-ALA


ALA-ALA

Pagsapit ng dilim ako'y nalulumbay
Di ko na malaman kong anong gagawin
Maaalala ko na naman ang lahat
Na ating mga sandaling pinagsamahan

Bakit ba ganyan ang madalas mangyari
Ngayong wala ka na sa piling ko
Kahit na ibaling ko sa iba ang isip ko
Naandiyan pa rin ang lahat ng ala-ala mo

Lagi kong nagugunita ang iyong mga ngiti
Mga kislap ng iyong mata kapag nakatingin ka
Ang iyong mga salitang mga sinasabi mo
Naniniwala ako dahil ikaw ay tunay at totoo

Ang mga kilos at sigla na aking natunghayan
Ang mga bagay-bagay na iyong pinagkakaabalahan
Ikaw sa paligid ko ay napakasayang pagmasdan
Punong puno ng buhay at walang katapusang sigla

Malayo pa ang darating na tayo'y magsasama
Wala akong alinlangan na tatanda tayong dalawa
Magkasamang haharap sa araw pang darating
Ang mga pangarap natin ay ating tutuparin

Sa mga sandaling ito, ngayon ako ay may lumbay
Natupad at nagyari ang mga plano natin
Nagawa ng lahat ang mga pinagsang-ayunan natin
Kay sarap tunghayan at ito ay lasapin

Batid ko sa aking nararamdaman, masaya ka rin
Nagagalak, natutuwa at maligaya ang aking paningin
Makita ko ang mga bagay na natupad at nagkatotoo rin
Di ako nangangamba sa ngayon at sa bukas pang darating

"Magpakailanman, ang ala-ala mo ay lagi kong kapiling."


Written by: Versatiles
Date: April 23, 2013




No comments:

Post a Comment